Connect with us

Opinion

#TalkonTW: Manila bus ban [UPDATED]

NOONG ika-23 ng Hulyo ay pormal na ipinatupad ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang isang bagong ordinansa na nagbabawal sa mga bus na walang sariling prangkisa o sariling terminal na dumaan sa nasabing siyudad.

Published

on

NOONG ika-23 ng Hulyo ay pormal na ipinatupad ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang isang bagong ordinansa na nagbabawal sa mga bus na walang sariling prangkisa o sariling terminal na dumaan sa nasabing siyudad.

Manila Bus Ban, ito ang sagot ng bagong luklok na alkalde ng Maynila, na si Joseph Ejercito Estrada, at ng kanyang bise akalde, na si Isko Moreno, sa lumalalang sitwasyon ng trapiko sa kanilang nasasakupan.

Nagkagulo at nabigla ang mga commuters sa unang araw ng pagpapatupad ng batas na ito. Umulan naman ng protesta mula sa mga tsuper at may-ari ng mga bus na dumadaan sa Maynila mula sa mga karatig-siyudad tulad ng San Juan, Quezon City at Makati City.

Hindi natinag si Erap at Isko. Sa halip, nakipagdiyalogo sila sa mga tsuper, may-ari ng mga bus at iba pang sektor na direktang apektado ng bagong batas. Sa pagpupulong noong ika-8 ng Agosto sa Manila City Hall, napagkasunduan ng parehong panig na ipatupad ang bago at pinagbuting bersyon ng ordinansa.

Sa kasalukuyan ay unti-unti nang naisaayos ang kalituhang idinulot ng bus ban sa mga mananakay, tsuper at may-ari ng mga bus.

Ano kaya ang masasabi ng mga Tomasino sa bagong patakarang ito?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

+ posts

Comments

comments

Continue Reading
1 Comment

1 Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Trending

Copyright © 2017 Zox News Theme. Theme by MVP Themes, powered by WordPress.