UPANG magkaroon ng mas malinaw na pang-unawa ang kabataan sa nangyayari sa ekonomiya ng Pilipinas, inilunsad ng Artlets Economic Society (AES) ang DOWNtrEND: The Implication of Changing Policies to the Philippine Economic Setting, ang kauna-unahang pagpupulong kasama ang mga mag-aaral galing sa iba’t-ibang unibersidad.
Layunin ng AES sa kanilang First National Economics Plenary na idinaos sa Albertus Magnus auditorium ay malaman ng mga estudyanteng ekonomista ang mga problema na nagaganap sa ekonomiya ng bansa at kung paano ito lulutasin.
“It’s a very good initiative. This will help the young people especially those who are focused on Economics to be updated on what’s happening in our country especially in the field of resources that are needed to make our country better and improving the quality of life of the people,” sabi ni Atty. Joey Lina, na dating mag-aaral ng UST at unang pangulo ng AES nang matatag ito noong 1974.
“We have to think also of what’s happening around us, what’s happening in the country because what happens in the country will ultimately affect all of us and therefore one must have an insular attitude. One must have a view of the entire country and how he or she can situate to the rest of the country,” dagdag pa niya.
Ayon sa dating senador at naging kalihim din ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal, maganda ang rate ng Gross Domestic Product (GDP) noong unang tatlong taon ng termino ni Pangulong Noynoy Aquino pero ang tanong niya ay kung sustainable ba ito.
Isa pa sa mga isyu na kinakaharap ng gobyerno ay ang mabagal na pagpapatupad ng mga proyekto lalo na sa imprastraktura na maaaring mag dulot ng mababang GDP rate.
“The government has to show deeper commitment and greater ability to its public-private partnership projects and its rehabilitation program that is if the growth can be increased,” ani ni Atty. Lina.
Ayon sa gobyerno, patuloy pang tataas ang GDP rate ngayong 2014 sa 6.5-7.5%, 7-8% sa 2015 at 7.5-8.5% sa huling taon ng administrasyon ni PNoy.
Ngunit sa pagsusuri ng International Monetary Fund (IMF), bababa ito sa 6% ngayong taon at 5.5% sa taong 2015 at 2016. Ibig sabihin daw nito hindi sustainable ang GDP growth ng Pilipinas.
Ang Pilipinas din ang may pinakamataas na tax rate kumpara sa apat na naunang mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
“Tayo ang may pinakamababa na tax collection pero pinakamataas ang ating tax rate,” pahayag ni Atty. Lina.
Ayon kay Atty. Lina, kailangang magkaroon ng gobyerno ng mga reporma sa sistemang pangongolekta ng buwis para magkaroon ng mas patasang maayos na relasyon sa mga iba pang bansa sa Asya.
Bukod sa buwis, dapat din ayusin ang Fiscal at Monetary Policy ng bansa, gawing makabago ang agrikultura at baguhin ang restrictive provisions ng konstitusyon.
Sa usaping Fiscal Policy, sinabi ng Development Management Officer na si Ricardo Toquero ng Department of Finance na ito ang patakaran tungkol sa paglabas at paggastos ng pera ng bayan.
“A strong fiscal position enhances the competitiveness of the economy,” ani Toquero.
Upang magkaroon ng epektibong paglabas at paggamit ng pera, kailang ang robust tax and non-tax revenue collections, plug leakages tulad ng tax evasion at smuggling, reduce distortions kung saan magkakaroon ng less redundant incentives or unproductive government subsidies.
Right time para sa Cha-cha
Ayon kay Executive Director Ramon Casiple ng Institute for Political and Electoral Reform na matagal nang isyu ang pagbabago ng Article XII ng konstitusyon o ang National Economy and Patrimony.
“The governance framework is not in place. Madali tayong ma-corrupt,” paliwanag ni Casiple kung bakit hindi nagkakaroon ng pagbabago.
Para kay Casiple, kailangan daw baguhin ang Economic Provisions dahil tataas ang Foreign Direct Investments (FDI) sa bansa, magkakaroon ng maraming trabaho, mataas na sweldo, increased economic activities at improved technologies.
Hindi na man ito mabago-bago dahil iba-iba lagi ang binibigay na dahilan tulad nalang ng “global crisis and the country’s experience under neoliberal globalization.”
Kasama din sa pagbabago ng Article XII ay maaari nang magmay-ari ang foreigners ng mga industrial, commercial at residential na lupa at papayagan na ang mga foreign ownership sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Kulang ang FDI sa Pinas
“Kaunti lang ang FDI sa Pilipinas,” sabi ni Deputy Director Marriel Remulla ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Dahil sa kakulangan ng FDI sa Pilipinas, isa ito sa mga gustong baguhin sa Article XII ng Konstitusyon.
Isa sa nabibigay na benepisyong FDI ay pagkakaroon ng trabaho para sa Pilipino ngunit, ayon kay Remulla, bumagal ang rate ng FDI sa Pilipinas.
Ang mga kalahok sa pagpupulong ay Adamson University, Bicol University, Jose Rizal University, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, New Era University , Saint Scholastica’s College at UST Commerce.
Kuha ni Trish Anne Marie D. Lavarias