IDINAOS sa Unibersidad ng Santo Tomas ang proyekto ng GMA News TV na kung tawagin ay “Learniversity” na naglalayong ihanda ang mga magtatapos na estudyante na harapin ang mga hamon sa corporate world.
Dumalo ang mga personalidad na mula sa iba’t ibang larangan upang magbigay ng payo sa mga estudyante sa ika-apat na baitang.
Mula sa larangan ng Hospitality and Restaurant Management, si Chef Jackie Ang-Po ay nagbigay ng mga tips na dapat itatak sa isip ng bawat mag-aaral.
“In any field, you always have to give 100%. Why do it if it’s not perfect,” sabi ni Ang-Po.
Ito naman ay sinundan ng food stylist na si Sharlene Tan. “Give your best in everything. Don’t just promise. Execute. Keep on learning and never stop,” hikayat ni Tan sa mga estudyanteng tagapakinig.
Si Gene de Guzman, na isang alumnus ng UST at kasalukuyang nagtatrabaho sa Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT), ay nagbahagi ng mga karanasan sa Information Technology.
“What I learned in my life is you don’t look at the past. Keep on looking forward. The keyword is move on,” aniya.
Binigyang diin din niya ang pagrespeto sa ibang tao na pangunahing sangkap para makatagal sa mundo ng korporasyon.

“Never step on somebody else’s toes, feet, head, para lang umangat kayo. Yung tinapakan mo ngayon, umangat ka (sic). Pag pasok mo bukas, boss mo na iyon.”
Sa larangan ng pagnenegosyo, nagpahayag naman si Mary Grace Dimacali, may-ari ng Mary Grace Café ng kanyang mga natutunan sa kanyang naging tagumpay.
“Each one has his own identity. Do not be another Starbucks. Do not be another Coffee Bean (The Coffee Bean & Tea Leaf). Do not be another Mary Grace. Be you,” aniya.
“Sa negosyo ninyo, isipin din ninyo ang kapakanan ng mga tao. Make your business work but do good to your people.”
Si Pia Arcangel naman ang nagsalita para sa larangan ng pagbabalita.
“Journalism is more than just a career. It’s a public service,” sabi ni Arcangel habang tinutukoy niya ang panganib na dala ng kanyang trabaho, kasama na ang oras na kailangan niyang igugol dito.
Ibinahagi naman ni Ali Gui ang kanyang Job Interview Dos and Don’ts – ilang tips upang maging handa sa pagsabak sa interview.
“People will remember you by what they see. People will remember you by what you say. You may not have the job but the person who interviewed you will remember you,” turing ni Gui.
Binigyan din niya ng mensahe ng pag-asa ang mga estudyante. “Know that whether you get this particular job or not, there are plenty out there and you will get the best one for you. Pray for it.”
Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng isang fashion show kung saan ipinakita ang dapat at hindi dapat suotin pag magpapa-interview.
May mga booths din na itinayo ang GMA News TV sa Tan Yan Kee (TYK) Student Center tulad ng Anchor For a Day, Fish-a-Prize, Pica-Pica, Triviamentaries, Post It! at Photo Booth at sa Plaza Mayor ng Main Building.
Kuha ni Chealsy Dale