TATLONG magkakasunod na taon nang may mananaliksik na mula sa Unibersidad ng Santo Tomas ang matagumpay na nakapasok sa prestihiyosong Brown International Advanced Research Institutes (BIARI) upang ilathala ang kani-kanilang pag-aaral.
Sila ay mga researcher associates ng University of Santo Tomas Research Center on Culture, Education, and Social Issues (UST-RCCESI) sa ilalaim ng Youth Cluster na sina Assoc. Prof. Clarence Batan, PhD, na lumahok noong 2012, at ngayo’y kinikilalang alumnus ng BIARI; Asst. Prof. Mark Anthony Abenir, DSD, na lumahok noong 2013 at kinikilala ring alumnus; Asst. Prof. Maria Carinnes Gonzalez, PhD, na kamakailan lamang lumahok.
TATLONG mag Ayon kay Batan, ang BIARI ay binubuo ng iba’t ibang research institutes gaya ng Population Development, Theater and Civil Society, Global Health and HIV-AIDs at iba pang mga institusyong maaring mag-iba taun-taon. Ang mga research institutes na ito ay may layong tulungan ang mga bansang “Global South” o developing countries gaya ng Pilipinas.

Ang mga mananaliksik ay masusing sinusuri at nililimitahan ang bilang sapagkat napakalaki ng gagastusin upang madala sila sa Brown University kung saan sasagutin nila ang lahat ng gastusin gaya ng air fare, food, at accommodation.
“To get a funding from BIARI means lahat kayong nandoon nag-cocompete for a funding of about $10,000,” ani Batan. “It’s the academe. It’s an intellectual competition. Di siya tipong gusto mo lang pumunta doon – no.”
Sa libu-libong nag-aasam na mga mananaliksik, isang milestone na maituturing ang pagkapasok ng mga mananaliksik ng Unibersidad sa BIARI ng tatlong magkakasunod na taon.
“It’s very exciting. The question now is, ‘To what extent could you expand this opportunity with your colleagues?’ So ngayon, naghahanap kami, sino bang pwede nating ipasok for the fourth year?” ani Batan.
Ang sinumiteng pag-aaral ni Batan sa BIARI at kanyang binibigyang atensyon sa ngayon ay tungkol sa “Istambay” Phenomenon sa Pilipinas na diumano’y kumukuha ng atensyon sa daigdig dahil sa pagiging kakaiba nito.
“People around, pag sinabing istambay: “Siya ay deficient, siya ay tamad,” wika ni Batan. “Di siya isyu ng ‘ayoko magtrabaho,’ isa siyang legitimate issue ng kawalan ng trabaho sa Pilipinas.”
Ayon naman kay Abenir ukol sa kanyang pagsasaliksik sa Understanding Children of Overseas Filipino Workers, “Tingin kasi ng ibang tao, yung kanilang problemang pinagdadaanan ay pampamilya lang pero it has something to do with the structure of the society kung bakit ang daming OFWs sa Pilipinas.”
Sinaliksik naman ni Gonzales ang estado ng mga taong may HIV sa Pilipinas at kung paano sila nakikisalamuha sa kanilang pamilya at gobyerno.
“[HIV in the Philippines is getting] worse, more and more people are getting vulnerable to the disease,” sabi ni Gonzalez sa isang hiwalay na panayam.
Dagdag pa ni Gonzalez, malaki ang naitulong ng Brown sa kanya at sa Unibersidad dahil maipapamahagi niya ang kanyang mga natutunan sa kanyang mga estudyante.
Maliban sa paglahok bilang fellow ay may ibang oportunidad na binibigay ang BIARI. Matapos lumahok noong 2012, si Batan ay kumuha ng residency sa BIARI kung saan ay nanatili siya sa dito noong 2013 sa loob ng tatlong buwan. Siya ay naging international reviewer sa BIARI Alumni project 2014 kung saan ibinabahagi niya ang kanyang mga kaalaman sa Sociology of the Youth upang mapabuti ang mga pag-aaral.
Samantalang si Abenir naman ay naging co-lead ng BIARI Alumni Project 2014 kung saan ay dumalo siya sa isang komperensya sa Bogota, Colombia kasama ang mga kapwa niya fellows noong 2013. Ang kanilang mga pag-aaral ay patungkol sa Children and Youth na may layuning makapag-limbag ng librong rerepresenta sa boses ng Global South.
Payo naman ng mga mananaliksik sa mga nag-aasam na makapasok sa BIARI at nagnanais maging matagumpay sa Akademya, “Research. Malaki ang nagagawa ng research sa buhay ng tao. Kung marunong magresearch, tingin ko maraming problema ang masosolve sa mundo,” hikayat ni Batan.
“Go out. Sometimes people get stuck (to the idea) that the world is within the four walls of this institution,” dagdag ni Abenir.
“Find a topic that you’re passionate about and make sure it’s relevant,” ani Gonzalez.
Kuha mula sa Rythumvinoben.com