TANGING mga Koreanovela na lamang ang nakapagpapakilig sa atin – hindi lamang dahil makikisig at magaganda ang mga tampok dito, kung hindi sa kadahilanang dito na lamang natin napapatunayan ang mga katagang “Happily Ever After”. Kapag napapanood natin ang mga ito sa telebisyon, binabagabag tayo ng ating isip at nasasambit natin ang mga tanong kung, “Magiging ganyan rin kaya kami ni crush ko?” Ang mga tanong ngang ito ang kumakatawan ng isang simula – ang pagsisimulang umasa.
Hindi naman talaga masamang umasa. Virtue nga iyon – ang pagiging patient at hopeful. Huwag nga lamang masyadong hoping at baka mabansagan pa nga tayong, HOPIA o hope ng hope kahit halata namang wala talagang patutunguhan ang mga inaasahan natin. Marahil ay dahil medyo bata pa tayo at kulang sa karansansan sa tunay na pag-ibig kaya pinapagana natin ang ating mga imahinasyon ukol sa bagay na ito.
“Uy! Nagkasalubong kami ni crush sa corridor. Nagka-eye-to-eye contact pa nga kami eh. Iba na ‘to! Rak na ituu!” Iyan na siguro ang nagiging pambansang kasabihan ng mga Hopia’t umaasa. Simpleng ngiti ba sayo ay magiging “kayo” na? May inabot lamang sayo, ibang koneksyon na kaagad ang mayroon kayo? Ang pagpila niya ba sa iyong likuran sa Jollibee ay fate nang matatawag? ISANG MALAKING “BAKA?!” ANG SAGOT. Ninanais man nating isiping may something, ngunit sa pagpapakatotoo natin mas maiintindihan natin na sadyang may mga bagay na imposibleng maganap.
Hindi rin naman tayo masisisi dahil umaasa tayo sapagkat kahit naman si Maria Clara ay umasa with feelings kay Crisostomo Ibarra ngunit ano nga bang napala niya? Wala, kahit pa nga nagahasa na siya’y walang Ibarrang dumating upang iligtas siya. Sadyang mayroon ding mga taong paasa – mga taong pinagdamutan ng harot; mga taong hindi makapagdesisyon kaagad – mga manhid.
Kaya para sa ating mga umaasa riyan, sana’y magising na tayo sa realidad ng buhay. HINDI MAGIGING TAYO NILA CRUSH, BAE, BEBE, BABE, AT HONEY NA MGA PANTASYA NATIN. Tayo na ang umiwas kung sa bawat tingin natin sa kanila ay nagdudulot lamang ng paglalim ng kagustuhan natin sa kanila. Matuto tayong magtira ng kaunting dignidad at respeto sa buhay natin sapagkat iyan ang ikagaganda natin.
Sa mga taong nanatiling paasa, idol namin kayo! Kung wala kayo, wala ring mga magaganda, walang mga sawi at higit sa lahat, hindi bebenta ang San Miguel Beer.
Kuha ni Bria Cardenas